GMA appointees hanggang sa Hunyo 30 lang

NANGANGANIB na mapatalsik sa puwesto ang lahat ng mga opisyal na itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit may “fixed term” ang mga ito.

Ibinabala nina House Minority Leader Edcel Lagman at Deputy Minority Leader Danilo Suarez na hanggang Hunyo 30, 2011 na lamang ang mga nabanggit na opisyal ng gobyerno.

Ito ay matapos lumusot sa bicameral conference committee ang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) reform bill, na nagsusulong na malikha ang isang “superbody” na tatawaging Governance Commission for Government-Controlled Corporations (GCGCC).

Kasabay nito ay nagbanta ang minorya na kukwestyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng ilang probisyon ng GOCC reform bill na isinusulong ng mga kaalyado ng administrasyong Aquino na sina Cavite Rep. Emilio Abaya at Sen. Franklin Drilon.

Iginiit nina Lagman at Suarez na ang ilang probisyon sa naturang panukala ay labag sa panuntunan ng Civil Service Commission (CSC) na nagtatakda ng security of tenure para sa mga opisyal ng GOCC.

Idinagdag pa ng kongresista na bagama’t may holdover provision ang panukala ay masisibak sa trabaho sa Hunyo 30 ang mga miyembro ng board ng may 157 GOCCs.

Duda rin Suarez sa naturang panukala sa pagsasabing ito ay pagsusulong lamang upang ma-accommodate ang mga talunang kandidato na kaalyado ng administrasyon.

Giit ni Suarez na kung talagang seryoso ang pamahalaang Aquino na magkaroon ng reporma sa mga GOCC dapat ay pinakialaman at binago na rin ang mga matatanggap na salaries at allowances ng mga opisyal nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply