Gobyerno pinagbabayad sa PIATCO ng $175M

INATASAN ngayon ng Pasay City Regional Trial Court ang gobyerno ng Pilipinas upang bayaran ang Philippine International Air Terminal Company Inc. (PIATCO) ng halagang $175 milyon bilang kompensasyon sa ginawang take-over ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Batay sa 11 pahinang desisyon ni Pasay City RTC Judge Eusebio dela Cruz ng branch117, nasasaad na kailangan awasin ng gobyerno ang P3.002 bilyon na ibinayad sa PIATCO noong Set. 11, 2006 o

tinatayang $63 milyon mula sa US$175,787,245.10.

Ipinaliwanag sa dokumento na ang determinasyon ng “just compensation” ay limitado sa acquisition ng gusali at pasilidad o improvements sa lupain sa oras ng filing.

Hindi umano kabilang dito anganumang karapatan o prangkisa upangn i-operate ang paliparan o karapatan na bayaran ang increased value sanhi ng inflation rate o anuman ang entitlement o interest simula ng kasunduan ng PIATCO sa gobyerno na idineklarang walang bisa ng Korte Suprema. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply