Gobyernong Aquino kayod marino sa ekonomiya

KAYOD marino ang ginagawa ng gobyernong Aquino para mapabuti ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtiyak ng malakas na relasyon ng Pilipinas sa ibang mga nasyon upang makakuha ng karagdagang pamumuhunan.

Kaya nakipagkita si Pang. Noynoy Aquino noong Lunes kay Australia & New Zealand Banking Group (ANZ-BGL) chief Executive Officer Michael Smith. Tiniyak naman ni Smith ang pagpapalawak sa bansa ng mga negosyo ng Australia at New Zealand.  Plano ng kompanya na palawakin ang call center business sa pagtatapos ng 2011 na nangangahulugan ng karagdagang trabaho para sa Pinoy.

Nakipagkita rin si PNOY kay Democratic Socialist Republic of Sri Lanka Prime Minister Disanayaka Mediyansalage Jayaratne sa tatlong araw na working visit nito sa bansa hanggang Miyerkules.

Pinag-usapan ng dalawang lider kung papaano mapauunlad ang kanilang relasyon sa iba’t ibang larangan  at interes. Tinalakay nila ang disaster risk reduction at suliranin ng banyagang mga manggagawa.

Tiniyak din ni PNoy sa lahat ng pagkakataon ang mahusay, epektibo at tutok na implementasyon ng mga programa at polisiya ng pamahalaan.

Nilagdaan ni PNoy ang Executive Order No.43 nitong Mayo 13, 2011 upang itatag ang limang Cabinet Clusters na tututok sa iba’t ibang pangunahing mga bagay sa larangan ng serbisyo publiko.

Tama sina Pangulong Noy at Executive Sec. Paquito Ochoa sa pagsasabing mapadadali ng EO ang pagtugon sa iba’t ibang mahahalagang aspeto  sa serbisyo sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbuo sa Cabinet Clusters na Good Governance and Anti-Corruption, Human Development, Security, Justice and Peace at Climate Change Adaptation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply