Gold agad kay Banayag!

AGAD kumubra ng ginto si national pool member at marathon specialist Joan Banayag sa pagsisimula ng athletic events sa 2011 POC-PSC Philippine National Games na sumisipa ngayon sa Panaad Sports Complex sa Bacolod City, Negros Occidental.

Walang nakaporma kay Banayag sa 10,000m run sa women’s division para sa gintong medalya tangan ang oras na 37:44.30 para pagsarhan ng pintuan ang mga karibal sa naturang weeklong event na suportado ng Smart, P&G, Scratch It at Summit Mineral Water.

Kinuha agad ng 2009 Southeast Asian Games marathon gold medalist at 2005-06 National Milo Marathon champion ang bandera pagtunog pa lamang ng starting gun at hindi na lumingo pa sa mga kalaban.

Nagkasya sa silver medal si Aileen Tolentino sa pagtipa ng oras na 40:59 para sa runnerup finish, habang bronze ang nasikwat ni Cerila Cortel sa inilistang 41:42.90 oras bilang third placer.

Sa women’s shotput event, nagbato ng pinakamalayong distansiya si 2007 Southeast Asian Games silver medallist Rosie Villarito para siguruhin ang first place finish at gintong medlya.

Sumukat ng 11.26m ang kanyang bato.

Nasa likod niya si Monalisa Mendez para sa silver medal matapos bumato ng 10.23m heave, habang bronze medalist si Hanna Erika Sia sa ibinatong 9.65m.

Sa women’s discus throw event, nangibabaw si Maika de Oro kontra  iba pang kalahok nang bumato ito ng 37.36m distance para sa gold medal finish.

Mainit-init pa mula sa katatapos lamang na Palaraong Pambansa sa Dapitan, muling ipinakita ni De Oro ang kanyang winning form para pamunuan ang paghahakot ng medlya sa Western Visayas contingent.

Humabol sa silver medal si Twinkle Masilangan matapos makakumpleto ng total distance na 31.73m, habang si Florence Tepstra ang kumuha ng third spot sa ibinatong 30.81m.

Sa gymnastics events na isinasagawa sa St. John Institute gym, inangkin ng University of the Philippines squad ang pinakamaraming gol;d medals sa cheerleading events kamakalawa ng gabi sa open tournaments na tinutulungan din ng Negros Navigation, Superferry, Gatorade, Standard Insurance, Zest Air, Accel, Bodivance at Merci.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply