Good news: Consuelo at subsidyo de bobo

NAPRANING ang mga tsuwariwap ni Pnoy sa pagsemplang ng rating ni Pnoy sa huling sarbey ng Social Weather Station.

Kahit sinasabi ni Sonny Coloma na oki pa rin ang rating ni Pnoy dahil may tatak na + at hindi
– kinakitaan sila ng panginginig ng tuhod.

Para maliwanag ang usapin, Suki, mula sa +64, bumagsak ang grado ni Pnoy sa +46.

Sa pangkalahatan, ang tanong, eh, “Hapi ka ba kay, Pinoy?”

Aba, lumabas na sa Metro Manila lang may nagsabing beri gud si Pnoy pero pasang awa pa siya rito.

Sa ibang lugar, bagsak na lahat ang grado niya mula Luzon hanggang sa Bisayas at Mindanao. Gud at moderate na lang ang grado niya at sa problema sa gutom, “walang pagbabago.”

He! He! He!

oOo

At alam ninyo, Suki, kung sino-sino ang mga hindi hapi kay Pnoy?

Yung mga may trabaho, edukado at propesyonal, mga negosyante at iba pa.

Hindi yung mga binibigyan ng limos at nag-aantay ng awa ni Manang Dinky Soliman na sinasabing kakandidato yata sa pagka-senador sa susunod na halalan.

Siyempre pa, kasama rito ang mga overseas Filipino worker na kaya lumalayas kahit nagbago na ang naglulungga sa Malakanyang ay dahil sa hirap at gutom.

Lumalabas kasing waepek, kahit ang P21 bilyong panlimos ni Manang Dinky.

oOo

Tutal, si Ka Sonny Coloma ang ipinahaharap kay Juan sa usaping ito, heto ang ipaabot natin sa kanya.

Yang salitang “Wala kaming magagawa sa problema sa oil price hike, toll hike, power hike, water hike, tinapay at sardinas hike” ang dahilan ng pagiging hindi hapi ni Juan kay Pnoy.

Ano ngayon yang pinagsasabi niyong mga gud nyus, huh?

Mga consuelo at subsidyo de bobo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply