Graft isinampa ng PCSO vs ex-PR chief

ISINAMPA na ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Office ang kasong graft sa office of the Ombudsman laban sa kanilang dating empleyado na si Manuel Garcia sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ani Board Secretary Atty. Eduardo Araullo, kanilang napag-alaman na nakakakuha ng kickbacks si Garcia mula sa mga koleksyon ng ad placements nang pinuno pa ito ng PCSO’s publicity and public relations department.

“Ang ginagawa niya as head of public relations before, sa tuwing magbabayad ang PCSO humihingi siya ng 40%-50% na share niya. Kung hindi magbibigay tinatakot sila na hindi aaksyunan yun placements at proposals nila,” ani Araullo.

Kasabay ng pagsasampa ng kaso ay ang pagpresenta ng isang saksi sa deposit slips na nagpapatunay na naghulog sila ng pera sa account ni Garcia.

Si Garcia ay binaklas sa PCSO mula noong Marso 2011 nang tumangging mailipat sa marketing department.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply