Grand Lotto 6/55 jackpot prize patuloy sa paglobo

TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na lolobo pa ang magiging jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 dahil sa bigo pa rin itong masungkit base sa pinakahuli nitong bola kagabi sa tanggapan ng PCSO sa PICC Complex, Pasay City.

Walang nakahula sa mga number combination na 42-19-30-41-12-52 kung saan may katumbas na premyo na umaabot ng P297,916,131.60.

Inaasahan na lalong dadami at hahaba ang pila sa mga lotto outlets sa bansa para tumaya na sa susunod na bola ng Grand Lotto na bobolahin sa Sabado.

Samantala bigo rin makuha ang premyo ng kasabayan nitong Megalotto 6/45 na may jackpot ng P4,500,000.00. Lumabas ang number combination na 14-38-03-42-24 para sa naturang lotto game.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply