Grand Lotto 6/55, sisirit sa P190M mamayang gabi

KUNG pagbabasehan ang dagsa ng nakapilang mananaya sa mga lotto outlets sa Metro Manila at karatig bayan ay malaki ang tsansang mahagip na ang patuloy na lumalaking premyo sa Lotto 6/55 na bobolahin mamayang gabi sa PCSO drawing office sa PICC compound sa Pasay City.

Sa huling tala ay P175,436,870.40 ang katumbas ng lumabas na kumbinasyong 06-24-11-27-36-53 na hindi nadali sa raffle noong May 4.

Bunga nito, sumirit sa tinatayang P190 milyon ang premyo ng kinagigiliwang Grand Lotto 6/55 mamayang gabi.

Sa 6/45 Mega Lotto na binola noong Byernes ng gabi, lumitaw ang kumbinasyong 09-15-32-33-36-39 na may katumbas na premyong P29,596,077.

Mentras na humahaba ang pila ng mananaya ay marami ang natutuwa dahil lumalaki ang premyo at dumarami rin ang natutulungang dumudulog sa PCSO para humingi ng tulong na medikal, partikular ang mga mamayang kapos sa pangangailangan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply