Grand lotto jackpot bigo pa ring masungkit

BIGO pa ring mapanalunan ang P266 million na jackpot prize ng grand lotto na binola kagabi, Mayo 21, sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa PICC Complex sa lungsod ng Pasay.

Inaasahang patuloy na lolobo ang papremyo sa naturang lugar matapos mabigong makuha ang mga numerong 10-21-51-37-25-09.

Tinatayang aabot ng P290M ang magiging premyo nito dahilan upang dumagsa ang mga mananaya rito.

Ang naturang jackpot prize ay siya na sunod sa pinakamalaking papremyo sa kasaysayan ng lotto sa bansa. Ang pinakamataas nito ay umabot ng P741M na napalunan ng isang balikbayan ng Olongapo City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply