Grand lotto jackpot bigo pa ring masungkit

BIGONG masungkit ng ating mga kababayang Pilipino ang Grand Lotto 6/55 jackpot prize na umabot sa P234,986,407.20 base sa naging resulta ng bola kagabi, Mayo 16.

Bigong matsambahan ang kombinasyong 31-16-54-42-40-08 ng mga mananaya.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) inaasahan nilang mabilis ang paglobo ng jackpot prize sa naturang laro dahil sa rami ng tumatangkilik dito.

Matatandaang umabot ng P741,176,323.20 ang pinakamataas na naabot ng Grand Lotto jackpot na napanalunan ng isang balikbayan ng Olongapo City.

Ang 6/55 ay nilalaro sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply