Grand Lotto Jackpot prize patuloy sa paglobo

BIGO pa rin ang kahit sinong Pinoy na makuha ang Grand Lotto jackpot sa ginawang bola kagabi, Mayo 28, sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa PICC Complex, Pasay City.

Ayon sa PCSO, ang winning number combination na 01-22-27-49-41-43 ay hindi natsambahan ng mga lotto followers.

Umabot ng P317,224,378.80 ang naging jackpot prize ng Grand Lotto kagabi. Inaasahang lalong dudumugin ang mga lotto outlets sa bansa dahil sa maraming Pilipino ang magbabakasakaling mapanalunan ang mas lalo pang lulubong premyo.

Samantala ang kasabayan nito 6/42 lotto draw ay wala ring nanalo na may papremyo na P12,026,867.40. Ang masuwerteng mga numero ay 15-16-40-34-12-23.

Mga araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado binobola ang Grand Lotto game.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply