‘Green Agenda’ sisimulan na

SISIMULAN na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang proyektong tinawag nilang Green Agenda.

Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, ang 2011 ay matatawag na watershed year para sa legislative agenda sa forestry  ng ahensya kaugnay sa commitment ni Sen. Juan Miguel Zubiri na pipilitin niyang maipasa ang Sustainable Forest Management (SFM) bill.

Ngayon umanong kakampi nila si Zubiri na kilala ang track record sa pagsuporta sa kalikasan, positibo ang DENR na magagawa nila ang planong reforestation sa loob ng15 taon.

Ani Paje, ipinangako ni Zubiri na matapos ang launching nito sa National Year of Forests (NYF) ay talagang tututukan na niya ito at tatapusin hanggang sa 2012.

Si Zubiri ang chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources. Nenet L. Villafania

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply