Green Archers pinana ang Bulldogs sa OT

MULING nasayang ang 29 points ni National University rookie Bobby Ray Parks nang panain ng De La Salle Green Archers ang Bustillos-based team sa extra period at talunin ng koponan ni coach Dindo Pumaren sa iskor na 81-74 sa FilOil Flying V Hanes pre-season invitational cup kahapon, Miyerkules.

Nairehistro ng Archers ang 2-2 win-loss card habang bumagsak sa 4-3 ang Bulldogs sa Group A, samantalang iwinasiwas ng University of the East Red Warriors ang Mapua Cardinals sa iskor na 82-79 sa Group B.

Magbabalik sa FilOil Flying V Arena ang laro bukas, Biyernes, sa pagitan ng University of the Philippines Fighting Maroons at College of St. Benilde sa unang salpukan na susundan ng University of Sto. Tomas Tigers laban sa Arellano University Chiefs.

Si Almon Vosotros ng La Salle ay pumutok ng 17 puntos kabilang dito ang isang krusyal na 3-point play sa overtime period tungo sa pag-tatala ng 77-72 abante patungo sa tagumpay sa kumpetisyon.

“Ang mga laro namin sa overtime ang nagpaganda para masungkit namin ang panalo,” masayang sabi ni coach Pumaren.

Ang Bulldogs na impresibo sa kanilang apat na diretsong panalo ay isinara ang elimination round na tangan ang tatlong kabiguan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply