Grizzlies tumabla sa Thunder

NAKAPUWERSA ng Game 7 ang Memphis Grizzlies matapos nilang sagpangin ang Oklahoma City Thunder, 95-83, sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association, (NBA) Western Conference semifinal series.

Nabuhay ang pag-asa ng Grizzlies ng sikwatin nila ang panalo sa Game 6 at itabla ang serye sa 3-3.

Umarangkada ng 30 puntos, 12 rebounds at dalawang block shots si Zach Randolph habang tumikada ng 16 puntos, four rebounds at two assists si O J Mayo upang maputol ang two-game losing streak ng Memphis sa playoff.

Matapos ang 2-1 bentahe ng Grizzlies ay kinuryente sila ng Thunder sa Games 4 at 5 para makalamang ang huli sa kanilang best-of-seven series.

Si Russell Westbrook ang umarangkada ng puntos para sa Thunder sa ginawang 27habang pumangalawa si bench player James Harden na tumikada ng 14.

Sa Oklahoma gaganapin ang game 7 kung saan ang mananalo ay makakatapat ng Dallas Mavericks para sa Western Conference finals. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply