Gulo sa P300-900M utang para sa ospital

MAGKANO ba ang isang ospital? Halimbawang nagkakahalaga ito ng P300 milyon, posible bang umabot ito sa P900M?

He! He! He!

Wala tayong sinasabi na anomalya rito. Pero ito ang usaping pinagkakaguluhan sa konseho sa Lipa City sa mga araw na ito.

Silipin natin kung paano nagsimula ang kaguluhan.

Itong si Lipa Mayor Meynard Sabili ay gustong matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng mga Lipeño. Kaya naman naisip niya at ilang konsehal ng lungsod ang magpatayo nito.

Pero ang pondo ay uutangin sa bangko o kung saan sila makauutang.

Inaprubahan naman ng nakararami sa mga konsehal ang proyekto at naglaan na nga sila ng P13M.

Pero lumalabas na may umangal na kinabibilangan nina Vice Mayor Lydio Lopez Jr., ABC President Marlon Luancing at mga konsehal na sina Merlo Silva, King Umali, Concon Hernandez, Raulo Montealto at Aries Macala.

Ang sabi ng mga umangal, ginawa kasi ang Special Ordinance No. 105-2010 na para sa ospital nang walang sapat na konsultasyon at tila minadali o minaniobra ang paggawa rito.

Wala umanong public hearing o konsultasyon sa publiko at wala ring kaukulang papeles  na isinumi-te sa Sangguniang Panglungsod ang Hospital at Finance Committees ng lungsod kung makakayanan o hindi na bayaran ng lungsod ang utang.

Dito biglang naalaala nina VM Lopez, Kapitan Luansing at lima pang konsehal ang 10 taon nang utang ng Lipa City na P100M. Hanggang ngayon, hindi pa rin umano nababayaran ito ng lungsod.

Paano na lang umano kung P300M ang kanilang uutangin na maaaring aabot sa P900M? Isusubo umano nila ang kanilang Internal Revenue Allotment bilang collateral o kaya’y pambayad sa interes ng utang.

Bigla ring naalaala nina Lopez, Luansing, Silva, Umali, Hernandez, Montealto at Macala na hindi lang pala ospital ang kailangan ng mga Lipeño. Halimbawa, paano raw hindi maoospital ang mga Lipeño kung magka-kasakit sila dahil sa kawalan o kakulangan ng makain?

Dito na nagsimula ang gulo at hindi nila pagkakaintindihan sa Lipa.

O mga Bro, anong sey ninyo?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply