Gumana ang signal ng TNT sa OT

BUMAGSAK ang mga lobo sa tuktok ng Araneta Coliseum habang umakyat naman ang Tropang Texters sa ikaapat na panalo sa pakikipagharap sa nagsusumikap ng Barangay Ginebra para ibigay sa tropa ni coach Chot Reyes ang titulo sa PBA Commissioners’ Cup matapos padapain sa iskor na 99-96 na overtime period.

Ang kampyonato ay ikapitong titulo ni Reyes bilang bench tacticians ng Tropang Texters kontra sa San Miguel Beermen, Coca-Cola at Purefoods.

Naging mahigpitan ang laro na makalawang beses na inalagwahan ng Barangay Ginebra ng 14 puntos hanggang magtapos ang regulation period sa pantay na 88-88 sa extra period ay pumuntos si Jimmy Alapag ng 5 points habang sina Jason Castro at Ranidel De Ocampo ay bumanat ng tig-isang triple.

Sa gitna ng hiyawan ng may 12,700 paying basketball afficionados na sumaksi sa pagtatapos ng 36th season ng PBA ay magkahalong galak at kalungkutan ang namutawi sa mukha ng mga taga-sunod ng naglalabang koponan. Maganda ang panimula ng Gin Kings ng magpakita ng magandang shooting si Willie Miller na tumapos ng 21 points habang sina JC Intal, John Wilson at Rab Labagala ay nakapagtipon ng pinagsamang 39 puntos kontra sa matataas na output nina Alapag (24), Castro (19), Ocampo (18), Kelly Williams at Ali Peek na tig10 bukod sa 18 puntos ng import na si Paul Harris.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply