Gutierrez ‘di puwedeng maging state witness

PINAGTAWANAN ng isang grupo ng mga abogado ang plano ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na maging state witness kaugnay sa kasong katiwalian ng dating administrasyon.

Ayon sa pahayag ng isang abogado na nakapanayam ng Remate Online, walang personalidad si Gutierrez na maging state witness dahil magkaiba ang kinakaharap niyang kaso kung ihahambing sa katiwalian ng dating administrasyon.

Una rito, ang panunungkulan ni Gutierrez ay nagtatapos noong nakaraang 2009 dahil ipinagpatuloy ang pitong taong panunungkulan ng kanyang pinalitan sa puwesto na si Simeon Marcelo.

Alam na umano ni Pangulong Benigno Aquino III at maging ng mga mambabatas na labag sa Konstitusyon ang pananatili ni Gutierrez sa puwesto at iligal din umano ang lahat ng ginagawang desisyon matapos ang 2009.

Sinabi pa ng source na kinakailangang nasaksihan mismo ni Gutierrez o kasama siya ng dating administrasyon habang gumagawa ng katiwalian.

Maging ang mga mambabatas umano ay dapat papanagutin dahil may personal knowledge sila na “unconstitutional” ang pagpapatuloy sa panunungkulan ni Gutirrez at mali ang kanyang pagre-resign dahil wala naman umano siyang puwestong pinanghahawakan.

Ipinaliwanag pa ng abogado na ang susunod na maitatalagang Ombudsman ay magtatapos ang panunungkula sa 2016  batay sa isinasaad sa kontitusyon na pitong taong manunugkulan sa puwesto ang itinaalagang Ombudsman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply