Guwapo nilamog ng 5 pangit sa Marikina

DAHIL sa taglay na kagwapuhan kaya ginulpi ang 25-anyos na binata ng limang tambay na nainggit sa kanyang kagandahang lalaki sa Marikina City, Lunes ng madaling-araw.

Patuloy na inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima na si Marvin Hao, ng Blk. 2, Lot 18, Bayan  Bayanan  Extn, Marikina Heights.

Arestado naman ang tatlo sa mga suspek na sina Michael Alberto, 19; Malcom  Bo,  19;  at Christhopher  Conde,  18, pawang ng Marikina  Heights, Brgy. Concepcion  Dos. Habang pinaghahanap naman ang dalawa pang suspek na sina Jay Ar Sioco at Eric Echenovo.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2:15 ng madaling-araw sa Ipil  St., cor.  Katipunan  Ave,  Baytree, Marikina  Heights, Marikina City.

Nabatid na bumili ng sigarilyo ang biktima kasama ang pinsang si Ed Casulla nang mapagtripan ng mga suspek at agad na ginulpi.

Nakatakbo naman si Casulla kung kaya hindi napuruhan at tanging si Hao ang naiwan na halos mapatay ng mga suspek.

Natigil lamang ang pangugulpi sa biktima sa responde ng mga barangay tanod.

Nabatid na ikinainis ng mga suspek ang pagiging gwapo ng biktima dahilan para hindi umano sila mapansin ng tsiks na kanilang pinopormahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply