Gym sa Kamara napuno sa laban ni Pacman

NAPUNO ng mga empleyado ang gym sa Kamara de Representantes upang masaksihan ang labanang Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada ngayong Mayo 8 (petsa sa Pilipinas)

Ang live Pacman – Mosley bout sa Kamara ay pangunahing inihanda ng mismo ng mambabatas ng Saranggani at ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Ito na ang pangalawang taon na nagkaroon ng ganitong pagtitipon dito sa gym ng Batasan Complex na ang una ay noong November 14, 2010.

Noong 2010, sinamahan ni Belmonte ang mga empleyado ng Kamara upang sabay-sabay na manood ng sagupaang Pacquiao-Margarito kasama si Ret. Gen. Nicasio Radovan,sgt.-at-arms ng Kamara.

Ngunit sa laban ngayon ng Pambansang Kamao ay hindi masasamahan ni Belmonte ang mga mga empleyado dahil kasalukuyan siyang dumadalo sa 18th Asean Leaders’ Summit sa Jakarta Convention Center, Jakarta, Indonesia kasama si Pangulong Benigno Aquino III.

Samantala, maagang dumating sa gym sina House Deputy Speaker Raul Daza at Secretary General Marilyn Barua-Yap upang mapanood din ang laban ng kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply