Hagupit ni Bebeng: 9 patay, 83,561 apektado

SIYAM na ang nasasawi habang 83,561 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong Bebeng parikular sa Bicol at SIlangang Visayas.

Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sanhi ng pagkasawi ay ang pagkalunod at landslides.

Samantala, umabot naman sa 16,408 pamilya o katumbas ng 83,561 katao ang apektado at karamihan ay nagsilikas.

Sa kasalukuyan, inalerto ng NDRRMC ang mga tauhan nito sa hilagang Luzon lalo na sa bahagi ng Aurora at Isabela na tinutumbok ng bagyo. 05.

Batay pa sa ulat ng PDRRMC, halos buong lalawigan sa Camarines Sur ay apektado sa pagbaha partikular ang Rincoanda area na itinuturing na catch basin ng tubig na mula sa lalawigan ng Albay.

Nakapagtala din ng apat na mga insidente ng landslide sa iba’t ibang barangay na sakop ng Balatan na ikinasawi ng tatlong mga indibidwal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply