Half marathon sa Araw ng Kalayaan

ISA pang pagdagundong ng libo-libong pares ng running shoes ang maririnig  sa kahabaan ng Bonifacio Global City, sa Taguig City, na kapapalooban ng isa pang makabuluhang patakbong itinapat sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2011.

Binansagang Independence Day Pilipinas Half Marathon (The Filipino Race), ang 5-in-1 footrace ay kapapalooban ng isang half marathon o 21.0975 kilometrong ruta, na may mga distansiya pang sampu, lima  at tatlong kilometro, na bukas sa lahat ng mahiligin sa takbuhan.

Mayroon ding limang kilometrong bonus  Media Run para sa mga lehitimong mamamahayag sa patakbong isinaayos ng Prym Diversions, Inc..

May nakalaang Finisher’s Medal ang lahat na mga kalahok sa half marathon, na makakatawid ng meta, bukod sa Top 100 para sa aabot ng finish line sa lahat ng kategorya.

Halagang P7,000 at tropeo ang mahahablot ng magkakampeong lalaki at babae  sa half-marathon, P5,000, P3,000 at medalya sa pangalawa at pangatlo buhat sa mga punong abala.

Makakatanggap ng P5,000, P3,000 at P 2,000 ang sa 10-km., P3,000, P2,000 at P1,000 para sa 5-km. winners,  at P1,500, P1,000 at P500 ang para sa 3-km.

Pagkakalooban din ng salaping premyo at medalya ang unang tatlo  sa age categories (male-15 under, 16-29, 30-39, 40-49, 50-59 at 60-up & female-15 under, 16-29, 30-39 at 40- up).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply