Hapi ka ba kay PNoy? Sagot: Pompiang 64-46

HAPI ka ba kay Pnoy sa mga ginagawa nito?

ITO ang katanungan kay Juan sa isang sarbey na isinagawa ng Social Weather Station para sa nakaraang mga buwan ng Enero hanggang Marso 2011.

Noong Setyembre at Nobyembre, mataas ang grado ni Pnoy sa mata ni Juan at nakakuha ito ng marka na 64 porsiyento. Pero nitong nakaraang tatlong buwan, sumemplang ang grado nito sa 46% lamang.

Napompiyang, Suki, ang grado ni Pnoy pababa. Lumagapak pa.

Ano ang nangyari at nagkaganito, huh?

oOo

Op kors, may beri gud siyang grado sa ilang usapin.

Pero sumemplang siya sa higit na maraming bagay.

Sa Metro Manila lang siya sumabit para sa gradong beri gud, pero isang daliri lang ang naikapit niya para sa nasabing marka. Ang gradong gud na 49% ay tumaas ng isang guhit sa 50% na simula ng beri gud.

Pero sa labas ng Metro Manila, dito siya lumagapak.

Gud lang ang grado niya  sa paglutas sa krimen, pabahay sa mahihirap, gutom, katiwalian, presyo ng mga bilihin at pagsunod sa gusto ni Juan.

Oki naman siya sa mga mahihirap pero seym-seym o walang pagbabago, ganun din sa mga nagugutom.

Hanggang gud lang din siya sa “matuwid na daan.”

Pero sa mga may trabaho at propesyonal hanggang sa mga mayayaman, hindi hapi ang mga ito sa kanya.

oOo

Depensa ng kanyang mga tsuwariwap, normal para sa isang Pangulo na pababa nang pababa ang grado habang nagtatagal sa puwesto. Ganun?

Ang tanong: makababawi kaya siya at tataas uli ang grado niya? Siguro dahil wala na si Aling Merci na sagabal umano sa mga gusto niyang isagawa.

Pero si Aling Merci ba ang dahilan kung bakit may oil price, toll hike, power hike, etc. na dahilan ng pagsemplang ng buhay ni Juan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply