Hapones nagpakamatay sa Catanduanes

PATAY ang isang Japanese national makaraang tumalon sa ikatlong palapag ng gusali sa isang beach resort sa Catanduanes.

Ayon sa pulisya, tumalon sa building si Shanitsi Kimamura ng Kugushima, Japan.

Nabatid na bago naganap ang pagtalon, nakipag-usap pa ang Hapones sa mismong may-ari ng isang beach resort na si Cecilia Soria ng Brgy. Pororan, Baras, Catanduanes.

Hindi pa batid ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagpapatiwakal ngunit madalas umano nitong banggitin ang naganap na trahedyang sa kanilang bansa bago ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply