Hatfield out, Stinson in

KASABAY ng paglisan ni Ginebra forward Rudy Hatfield matapos ang paglalaro sa tatlong komperensya, inaasahan ng team management at ni Head Coach Joseph Uichico na makalaro sa kanila si Curtis Stinson sa susunod na Governor’s Cup ng Philippine Basketball Association (PBA) na naka-schedule sa Hun 3.

Magalang na tumanggi si Hatfield na makapaglaro sa susunod na kumperensya, pero tiniyak niya na siya ay magbabalik matapos na alamin ang kalagayan ng kanyang pamilya sa Estados Unidos.

Samantala, si Stinson na may taas na 6’2″ ay inirerekomenda ng mga scout ng Ginebra sa America dahil siya ay tinanghal na Most Valuable Player ng NBA Developmental Team kasunod ng paglalaro sa Iowa Energy Team.

Dalawang beses din siyang napabilang sa D-League first team bilang guard. Samantala, si Rico Villanueva ay nagpapagaling pa kasalukuyan kasunod ng ACL Surgery.

Pero nananalig si Uichico na ipagpapatuloy ni Eric Menk ang husay na ipinakita sa huling Comissioner’s Cup na kung saan tinanghal silang runner-up sa nagkampyong Talk N Text.

Bibigyan din ni Uichico ng sapat na playing time sina JC Intal, John Wilson at Rob Labagala na kinakitaan ng galing sa huling komperensya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply