Hazing case vs UP judo coaches tinutulugan ni de Lima

TILA masyado umanong abala sa pagsalag si Justice Secretary Leila de Lima sa mga ibinabatong akusasyon dito kaugnay ng mga kasong administratibo at plunder sa Office of the Ombdusman kaya napababayaan na ng opisyal ang iba pang mga kaso na nakabinbin sa kanyang tanggapan.

Binanggit ng mga sources ang kasong kriminal laban sa coach at assistant coach ng judo team ng University of the Philippines (UP) na sina head coach Emmanuel Jingco, assistant coach Sherwin Bacay at assistant coach Edgar Ordillas.

“Busy lang siguro si De Lima kaya parang tinutulugan na niya ang iba pang mga kaso na nasa tanggapan niya. Panay paganda points lang yata siya sa telebisyon at may mga kaso siya na parang nasa priority niya dahilan upang mawalan ng atensyon sa ibang malalaking kaso,” wika ng isang source.

“Parang mas tinututukan niya yata ang mga kaso ng mga kalaban ng amo niya kaya ‘yung UP hazing case ay tila nababaon na sa limot.”

Matatandaan na sa inihaing reklamo ni Miguel Pangalangan, anak ni dating UP College of Law dean Atty. Raul Pangalangan, nilabag umano ng mga nabanggit na respondents ang RA 7610 o mas kilala sa tawag na anti hazing law (special protection of children against child abuse and exploitation and discrimination) at RA 8049.

Dagdag pa sa complaint, 1:00 ng hapon noong Abril 7, 2010 nang simulan ng mga respondent ang kanilang sinasabing marahas na pagtuturo sa complainant at iba pang mga bagong miyembro ng judo team.

Ang koponan ang siyang pambato ng UP sa international competition sa bansang Korea ng mga panahong iyon. Subalit nakatikim umano ang mga ito ng pananakit buhat sa mga respondents na malinaw na labag sa itinatadhana ng batas.

Natuklasan naman sa mga sources na ang kaso ay hawak ngayon ni Assistant State Prosecutor Ma. Cristina Rilloraza. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply