HDO sa 2 bagong suspek sa Vizconde Massacre

PINAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang paglalagay sa Hold Departure Order sa dalawang posibleng bagong suspek sa Vizconde massacre case na tinukoy ng bagong hawak na testigo.

Nauna nang kinumpima ni Justice Secretary Leila de Lima na may breakthrough sa reinvestigation na ginagawa ng ahensya sa Visconde massacre case sa paglutang ng bagong testigo kung saan ibang indibidwal naman ang tinuturo nito na nasa likod ng masaker noong taong 1991.

Ayon kay De Lima, abala na ang buong pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtunton sa nasabing mga suspek na tinuro ng testigo na hindi pa nito pinangalanan.

Sinabi ni De Lima na sumailalim at pumasa naman sa polygraph test ang bagong testigo at masasabing may batayan ang mga nalamaman nito na magbibigay-linaw sa kaso na naganap na masaker sa mag-iinang sina Estrellita, Carmela at Jennifer noong Enero 1991.

“In connection with the second breakthrough, there are two individuals who are possible suspects that are being traced because they are within the Philippines. I will avoid mentioning whether these are new or old suspects and a hold departure order on the two possible suspects are being considered if they are located. And they (NBI and CIDG) are intensifying efforts to do so. If they’re located, they’ll be invited first for interrogation.” paliwanag ni de Lima.

Inamin ni De Lima na bukod sa dalawang suspek na tinuturo ng testigo, mayroon  pang isang grupo ng mga suspek na pinaghahanap ngunit tumanggi ito na magbigay ng anomang detalye.

Inamin naman ni Lauro Visconde na wala pa siyang nalalaman sa sinasabing breakthrough sa reinvestigation ng DOJ.

Aniya, sa susunod na linggo ay may appointment siya kay De Lima at inaasahang malalaman na ang kaganapan sa isinasagawang imbestigasyon.

Matatandaan na noong Disyembre 2010 ay pinawalang-sala ng Korte Suprema si Hubert Webb at anim pang kasamahanan nito kasabay ng pagsasabi na hindi credible na testigo si Jessica Alfaro.

Kasunod ng nasabing desisyon, nagsagawa ng reinvestigation ang DOJ at may nalalabi pa itong panahon hanggang Hunyo 30 para maghain ng kaso sa mga bagong suspek bago tuluyang magtapos ang prescriptive period sa paghahain ng kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply