Hearing sa ‘paglabas-masok ni Leviste sa Bilibid kinansela na

KINANSELA na ng House Committee on Justice ang nakatakdang pagdinig kaugnay sa paglalabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste sa New Bilibid Prison (NBP).

Ani Justice Committee chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas, kinansela ang imbestigasyon upang bigyang-daan ang isinasagawang inquiry ng Department of Justice (DOJ) at dahil na rin sa boluntaryong pagle-leave ni NBP director Ernesto Diokno.

Ipinaliwanag pa ni Tupas na pansamantala lamang ang pagkaudlot ng “moto propio investigation” ng Kamara sa VIP treatment kay Leviste sa NBP.

Sinabi ni Tupas na mayroon pa rin nakakasang hearing ang Kamara na uungkat at hihimay sa iba pang problema ng NBP.

Aniya, makabubuting maipagpaliban ang imbestigasyon sa VIP treatment kay Leviste upang matiyak na hindi makakasagabal ang Kamara sa pagsisiyasat ng DOJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply