Heart Evangelista handang magutom para kay Daniel Matsunaga

HINDI naman true that all’s well and going well with Heart and her family about Daniel Matsunaga.

Kumbaga, hindi naman talaga ganoon sila kaboto lalo na raw ang ama ni Heart sa Brapanese actor. Kapag usaping puso nga raw, di naman nagbago ang ama ni Heart pagdating nga sa lovelife ng anak. Lagi na raw kontra ito at ngayon nga,  kontrabida ito sa buhay ni Daniel.

Ganito rin naman noong sina Jericho at Heart pa. Maraming issues at kung hindi nakipaglaban si Heart, di sana nagtagal ang dalawa. Di ba, naging very complicated ang lahat noon to the point na umabot pa sa tila pagsumpa kay Heart ng tatay niya?

Lumaon nga, bumigay si Heart at nagkahiwalay sila ni Jericho.

Heto na ngayon, just like before, nakikipaglaban si Heart. Kinokontra nito ang ama. Para kay Heart, si Daniel ang buhay at sa ngayon, buong puso’t kaluluwa ni Heart ay laan para rito.

In an interview with the two, kitang-kita how much they love and care for each other. “ I love her very much, there’s nothing that could separate us. Heart compliment me in all aspects and will cherish her for the rest of my life,” sabi pa ni Daniel.

So far, Heart for her part, also loves Daniel with all her heart. Nakahanda na itong makisama rito at kahit ano’ng mangyari, ito na raw ang lalaking pakakasalan niya.  “He’s a wonderful guy, I am not looking for anyone anymore. He is my life at kahit ano pa, gagawin ko para sa kanya.”

Heto na’ng kwento sa amin ng isang kibitzer.

Minsan daw, tinangka nang kausapin si Heart ng tatay niya. Idinaan daw niya ito sa diplomacy. Kumbaga, sinabihan niya si Heart that if she is in love with Daniel kailangan paghandaan niya ito, kailangan daw mag-ipon na sila. Kumbaga, minaliit nito si Daniel who could not provide for Heart. Hinimok daw niyang mag-business muna’ng dalawa na palaguin ang kayamanan bago sumuong sa pagpapakasal.

Heart saw this as a delaying tactic nang sa gayun magkaroon pa sila ng time na kontrahin ang pag-ibig ng dalawa.

Knowing this, Heart daw said her piece na talaga namang ikinagulantang ng kanyang ama. “With Daniel secure ako, kahit hindi siya mayaman. I love him very much. Kahit na dumating ang araw na kakain ako ng buhangin, I will do that, kasi mahal na mahal ko si Daniel.”

Supalpal na natameme daw si fadir!

So there!

***

Kim Chiu, John Lloyd Cruz isinumpa ng isang reporter

AMUSE na amuse kami habang naglilitanya’ng isang reporter tungkol sa ‘kimkim na galit’ niya Kina Kim Chiu at John Lloyd Cruz. Although walang malalim na dahilan na mai-reason out ang reporter tungkol sa pakiramdam niya sa dalawa, talagang halatang buong buhay na niyang kamumuhian ang dalawang artistang isinumpa na raw niya.

“Ay naku, kahit na bayaran ako ng malaking halaga, hindi ko talaga aatenin ang anuman tungkol sa dalawang yan. Never, never na never silang makatitikim ng anumang papuri sa akin,” sabi pa nito.

“Basta nasusuka ako, marinig ko lang ang mga pangalan nila. Hindi naman nila ako inaano, pero talagang inis na inis ako. Kumukulo ang tae ko sa kanila,” dugtong pa nito.

We can only guess na nagkaroon ng masamang karanasan si reporter kina John Lloyd at Kim Chiu. It must be something grabe dahil kung hindi, kilala naman naming may kababawan lang si reporter at kaunting haplos lang sana, magugustuhan na niya ang dalawa.

Ano nga ban’g dahilan niya para ganoon na lang ang pagkamuhi niya sa dalawa?

“Wala lang, I don’t like them, hindi sila swak sa sistema ko. Kung ikukumpara ko sila sa mga kasamahan nilang artista, talagang hate ko sila, never talaga,” sabi pa nito.

“Ay naku, ipasulat na lang at ipapuri sa akin si Nora Aunor, makakaya ko. ‘Wag lang ipapuri sa akin ang dalawang ‘yan. Sa true, wala namang mapuri-puri sa kanila.”

Avid Vilmanian si reporter, at kung totoong kaya niyang magustuhan si Nora na kaaway na karnal ng kanyang idolo, ano ba ba’ng dahilan para isumpa niya sina Kim at John Lloyd?

Nawi weird-ohan talaga kami, but that’s life, kanya kanyang pagkamuhi lang naman ‘yan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply