Heart Evangelista irereto kay PNoy

BALAK ireto ni Sen. Loren Legarda ang isang aktres kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pagdiriwang ng ika-40 na anibersaryo ng kasal ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Naniniwala si   Legarda na baka ang dalagang si Heart Evangelista na ang makaputol sa pagiging binata ni Pangulong Aquino.

Magsisilbing best man si Aquino habang maid of honor naman si Heart sa kasal ni Santiago kay dating DILG Undersecretary Narciso Santiago bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng kanilang mag-isang dibdib sa Hunyo 19.

Kinausap na ni Legarda si Santiago kung magandang ideya ang pagreto sa dalawa lalo pa’t parehong walang asawa ang mga ito.

Ngunit duda naman si Santiago kung papatulan ni PNoy si Heart dahil sa napakalaki ng agwat ng edad ng dalawa.

Kasabay nito, umapela naman si Santiago sa Pangulo na huwag maaasar kung inuurirat ng media ang kanyang buhay pag-ibig matapos na mabisto ang pakikipag-date nito sa isang dalaga nitong nakaraang linggo sa isang hotel sa Makati City.

“When you enter public service, you just lost your right of privacy,” paliwanag ng senadora.

Magkakasama naman sa kasal ng senador ang mortal na magkalaban na sina Vice-President Jejomar Binay at dating Sen. Mar Roxas kung saan ang bise-presidente ay tatayong principal sponsor habang secondary sponsor naman ang dating senador.

Magsisilibing myembro naman ng entourage sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Revilla Jr., na ikakasal din sa Mayo 28 bilang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng kanilang pagsasama ni Bacoor Rep. Lani Mercado.

Kasama din sa entourage sina Sen. Antonio Trillanes IV, na minsan nang pinuri ni Santiago bilang “macho” senator; Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Edgardo Angara, Sen. Pia Cayetano, Sen. Loren Legarda, Dr. Linnea Defensor Evangelista, Lisa Macuja Elizalde, Zenaida Lazaro at Gemma Cruz Araneta.

Sa secondary sponsors napabilang si Manny V. Pangilinan at Evelyn Singson bilang candle bearer; Sen. Manny Villar at dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar bilang cord; at Ma. Isabel Ongpin at Dr. Esperanza Cabral bilang bible bearer.

Principal sponsor naman sina Dr. Oscar Lopezx, Felipe Gozon, Dr. Emilio Yap, Danding Cojuangco, Chief Justice Renato Corona, dating Pangulong Joseph Estrada, Jocelyn Campos Hess, Teresita Sy Coson, Marixi Prieto, Ma. Paz Cojuangco Teopaco, Justice Consuelo Ynares Santiago, Rep. Imelda Marcos at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply