Heat nilitson ang Bulls

HINDI na pinadama ng Miami Heat ang Chicago Bulls upang maumpisahan na ang 2010-’11 National Basketball Association, (NBA) final showdown.

Hinabol ng Heat ang 12 puntos na kalamangan ng Bulls sa huling canto upang ilista ng una ang 83-80 panalo at sungkitin ang Eastern Conference champion.

Nagliyab ng mahahalagang puntos ang Big 3s ng Heat na sina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh para itarak ang 4-1 ng kanilang best-of-seven series.

Umarangkada si James ng 28 puntos, 11 rebounds, six assists at dalawang shot blocks upang iayos ang NBA finals kontra dating karibal na Dallas Mavericks.

Angat ng pitong puntos ang Bulls, 79-72 matapos isalpak ni season MVP Derrick Rose ang turnaround fadeaway shot may 1:46 minuto na lang ang nalalabi sa huling quarter subalit sumagot naman si Wade ng four point play ng maka shoot at ma foul ito sa 3-point area para idikit ang score sa 79-76.

Sa sumunod na posession sumablay si Bulls guard Rose dahianl upang itarak ni two time MVP James ang 3-pointer mula sa pasa ng kakamping si Wade at itabla ang score sa 79 may 1:01 minuto pa ang natitira.

Pagbalik ng possesion sa Bulls ay naagawan ng bola ni James si Rose at dito nakuha ng Heat ang lamang ng bumuslo ang una sa 21 foot jumper kung saan ay 16 segundo na lang ang oras para matapos ang laban.

Sinisi naman ni Rose ang kanyang sarili dahil sa dami ng kanyang sinablay, (9 of 29 field goal).

“At the end, it’s all me,” saad ni Rose matapos tumira ng 23 points, walong assists at limang boards. “Turnovers, missed shots, fouls. The series is over.”
Gumawa naman si Wade ng 21 pts., six rebounds at dalawang assists habang 20 points, 10 boards at isang assist ang kinana ni Bosh.
Mag-uumpisa ang NBA finals sa Miyerkules kung saan ay maghaharap ang Heat at Mavericks.
Noong 2006 nakauna ng 2-0 ang Mavs subalit sumagot ng apat na sunod na panalo ang Heat upang makuha ang titulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply