Heat umusok sa game 1 vs Celtics

IPINARAMDAM ni Miami Heat guard Dwyane Wade ang kanyang mainit na laro matapos itong gumawa ng 38 puntos at talunin ang Boston Celtics, 99-90 sa game 1 ng nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference semifinals.

Bago ang araw ng kanilang laban sinabi ni Wade na palaging hindi maganda ang kanyang laro tuwing nakakalaban nila ang Boston. “I look forward to the challenge,” sabi ni Wade habang nag-eensayo noong Sabado. “I know I haven’t played well against this team. That’s no secret.”

Umuusok sa shooting si Wade ng itarak nito ang 14 of 21 field goal habang lumiyab din si Heat bench player James Jones matapos magsalpak ng 25 puntos at tatlong boards kasama ang 5 of 7 sa 3-point area.

“We’re going to have to fight for every inch, every game we get,” ani Wade. “Right now, we won Game 1. We’re supposed to. We’ll go back and focus on winning Game 2. We’re at home, we have home-court advantage. They’re just trying to come in and steal one like they’ve done in the past. So it’s our job to come out with the same mentality in the next one.”

Mainit din sa opensa si Heat star player Lebron James na ayon sa kanya ay pinepersonal ang laban nito sa Celtics.

Tumikada si two-time MVP James ng 22 points, anim na rebounds at limang assists.

Hindi lang sa laro naging mainit ang labanan kundi nagkainitan din ng ulo kaya nagkaroon ng mga technicals fouls at ejection.

Tinapon ng mga referees si Celtics Paul Pierce matapos malasap ang dalawang TFs ng may 7:00 pa ang nalalabi sa final canto.

Uminit ang ulo ni Pierce ng bigyan siya ng hard foul ni reigning NBA 3-point King Jones dahilan upang magkaroon ng double-technical fouls at pagkatapos si Wade naman ang kanyang nakaengkuwentro.

“Pierce’s second technical was merited because he directed profanity at Wade and in the rulebook, that is a verbal taunt,” anang Crew chief Dan Crawford.”

Si Ray Allen ang nanguna sa opensa ng Celtics na may 25 points at tig-tatlong rebounds at assists habang si Pierce ay may 19 pts.

“There’s so many things we need to do to get better,” saad ni Allen. “I think everybody in that locker room knows that, just from a small conversation we just had.”

Masama naman ang laro nina Rajon Rondo at Kevin Garnett na tumikada lamang ng walo at anim na puntos ayon sa pagkakasunod.

Mananatili sa Miami ang game 2 at pagkatapos ay tutungo ang mga ito sa Boston para sa game 3 at 4.

Samantala, sa Western conference semis nanaig ang Memphis Grizzlies sa Oklahoma City Thunders, 114-101.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply