Pulis ng QCPD itinumba ng apat na killer

PATAY ang isang pulis Quezon City na nakatalaga sa Station-8 makaraang itumba ng apat na hindi nakilalang salarin sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si SPO3 Arnold Yu,  binaril ng hindi nakilalang mga killer sa Road 8, Visayas Avenue, Bgy. Basra na agad nitong ikinamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na habang nagpapagawa ng sasakyan ang biktima sa nasabing lugar nang hintuan siya ng apat na salarin, pawang sakay ng motorsiklo saka walang pakundangang niratrat si Yu.

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply