Hinatulan ng life inabswelto ng CA

PINAWALANG-SALA ng Court of Appeals (CA) ang isang akusado ng bawal na droga na sinentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo ng mababang hukuman.

Sa desisyon ni Justice Ramon Garcia ng CA 9th division, ipinag-utos ang agarang pagpapalaya sa akusadong si Orlando Angon.

Si Angon kasama ang isang Jennifer Canta ay inaresto ng Makati police noong November 11, 2004 sa aktong pagbebenta ng shabu sa operatiba ng pulisya.

Sa pagpapawalang-sala sa akusado,  sinabi ng CA na nagkulang ang pulisya sa pangangalaga ng shabu na ginamit na ebidensiya sa krimen.

Ito ay matapos hindi matukoy ng pulisya kung kani-kanino sumakamay ang nabanggit na ebidensiya matapos ang operasyon hanggang sa maisumite sa forensic expert.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply