Hindi bayani si bin Laden – Malakanyang

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga Muslim sa bansa na isipin ang mga nagawang kasalanan ni Osama bin Laden at huwag agad na kilalanin bilang bayani.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, hindi makatuiwran na dahil lamang sa isang Muslim si bin Laden ay dapat nang ituring itong bayani.

Aniya, hindi bayani si bin Laden kaya’t ang anumang nangyari sa kanya ay kabayaran lamang sa kanyang ginawang terorismo sa mundo.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Lacierda na nakahanda ang mga security measures sa bansa sakaling may gawing hindi maganda ang mga sympathizers at taga-suporta ni bin Laden sa Pilipinas.

Makakaasa umano ang sambayanan na nananatili ang alerto ng mga awtoridad laban sa anumang banta sa seguridad.

Samantala, ipinagkibit-balikat lang ng Malakanyang sa martsa ng ilang Muslim sa bansa papuntang US Embassy sa lungsod ng Maynila upang ipakita ang kanilang pagkilala kay bin Laden. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply