Hindi makaiskor sa iniibig, nagbigti

DAHIL sa tindi ng pagmamahal sa babaeng may asawa pero hindi naman makaiskor kaya nagawang magpakamatay ng 39-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang nylon cord sa Tondo, Manila Martes ng umaga.

Kinilala ang biktmang si Edgar Bernardo, ng 213 J.P Rizal St.

Sa ulat ni Det. David Tuazon ng Manila Police Distridt-Homicide Section, dakong 6:45 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting biktima sa kanilang kisame sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid sa report ng pulisya na hindi lamang isang beses nagtangkang magpatiwakal ng biktima, dahil dalawang beses na itong uminom ng silver cleaning solution pero agad na naaagapan.

Isang beses ding sinadyang nagpakuryente ang biktima pero sinuwerteng nakaligtas sa kamatayan.

Kaninang umaga ay natuloy din ang pagpapakamatay ni Bernardo makaraang maabutan siyang nakabitin at wala nang buhay gamit ang nylon cord.

Lumalabas sa ulat na umibig nang todo si Bernardo sa isang may asawa at dahil hindi umano ito makaiskor ay mas pinili na lamang ng binata na magpakamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply