Hindi naaksidente ang Pambansang Kamao

TINIYAK ng team Pacquiao na hindi naaksidente ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ayon sa mga ulat.

May mga report kasing naglabasan sa Internet na nagsasabing naaksidente ang pound-for-pound king.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng Remate, hindi totoong naaksidente ang Pambansang Kamao at ayon pa sa mga ulat ay nasa “good condition” si Pacman.

Tuloy na tuloy na at wala nang makapipigil pa sa bakbakan nila ni Sugar Shane Mosley maya-maya lang.

Samantala, nag-aabang na rin ang buong Pilipinas sa nasabing laban ng tinaguriang “Pinoy boxing hero.”

Sa katunayan, maagang nagtungo ang fans ni Pacman sa mga lugar na mayroong pay-per-view upang masaksihan ang sagupaan nito kay Sugar Shane Mosley.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply