Hindi si Espinosa ang salarin — Atty. Panelo

MATAPOS ikasa ang occular inspection sa lugar ng krimen, inihayag ng abogado ng bus driver na iniuugnay sa pagkamatay ni journalist-professor na si Chit Estella-Simbulan noong nakaraang Mayo 13 na may ebidensiya silang hindi ang kanyang kliyente ang salarin sa malagim na aksidente.

Sinabi ni Salvador Panelo, abogado ng bus driver na si Daniel Espinosa, na may ebidensiya silang maipapakita na ang isa pang pampasaherong  bus ang una munang bumangga sa taksing sinasakyan ni Simbulan.

Kapwa sina Espinosa at Panelo ang pumunta noong Sabado, Mayo 22, sa lugar ng aksidente para maghanap ng pira-pirasong ebidensiya para sa ikalilinaw ng krimen.

“Lumalabas sa ocular inspection namin na isang bus ng Nova company ang unang bumunggo sa taxi. Mapatutunayan yan kung titingnan mo ang bus na dala ni Espinosa very slight ang damage. Ibig sabihin iba ang bumangga doon,” pahayag ni Panelo na kasama si Espinosa sa isang kapanayam.

Iginiit din ni Panelo na ang “skid marks” sa kalsadar o sa lugar ng insidente  ay hindi sa Universal Guiding Star na minamenho ni Espinosa kundi sa isang Nova bus na bumangga sa taksing sinasakyan ni Simbulani.

Sa kabila nito,  humingi ng paumanhin si Espinosa sa pamilya ni Simbulan noong Biyernes at sinabi nitong haharapin niya ang kasong  reckless imprudence resulting in homicide at damage of property laban sa kanya.

Pero nang tanungin ito kung siya ang nakabangga sa taksing sinasakyan ni Simbulan, sumagot itong, “Nova po.”

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nahagip muna ang taksi ng isa pang bus bago binangga ito ng Universal Guiding Star bus na minamaneho ni  Espinosa  sa likod na bahagi nito.

Tumakas naan agad si Espinosa at noong Huwebes ng gabi ay sumuko sa tanggapan ni Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte.

Dinala ito sa Metro Manila noong madaling araw ng Sabado at pansamantalang pinigil sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal. Robert C. Ticzon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply