Hinihinalang holdaper todas sa parak

HINIHINALANG holdaper ang nabaril at napatay ng mga nagpapatrolyang pulis nang makitaan ng baril sa baywang sa Binondo, Manila nitong Linggo ng madaling araw , Mayo 22.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 anyos ang hindi pa nakikilalang biktima, may taas na 5’0 , nakasuot ng kulay itim na t-shirt, short pants at tsinelas ng kulay pula na may itim at may tattoo sa kanang balikat na “Manny.”

Batay sa ulat na nakarating kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 1:48 ng madaling araw nang maganap ang nasabing insidente sa Quintin Paredes malapit sa panulukan ng Escolta sa tabi ng AIC Building sa Binondo.

Bago ang nasabing insidente, nagpapatrolya sina PO3 Erwin Gaddi, PO2 Ruelester Santos at PO2 Joel Morales, pawang mga tauhan ni P/Supt. Ferdinand Quirante, Station Commander ng MPD-Binondoi Police  Station 11 lulan ng back-to-back na marked vehicle sa vicinity ng kanilang nasasakupan.

Dito na nila namataan umano ang isang lalaki na may kahina-hinalang kilos at nang makitang may naka-umbok na bagay sa nakatakip nitong t-shirt sa baywang ay tinangka nila itong sitahin subalit nagulat sila ng magbunot ito ng baril kaya inunahan na nila ito.

Namatay noon din ang biktima at naka rekober ang kalibre .38 snub nose na paltik.

Ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa St. Harold Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at matukoy ang pagkakakilanlan nito. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply