Hinihinalang miyembro ng ASG nadakip

ISA na namang hinihinalang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at Philippine National Police sa Isabela City, Basilan.

Ayon kay PNP Spokesman, P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., bandang 1:30 Lunes ng hapon, Mayo 9, ay  nadakip sa Barangay Tabuk, Isabela City ng mga elemento ng PNP-DIPO Western Mindanao at Special Action Force, Naval Intelligence and Security Group Naval Forces Western Mindnao ang suspek na si Abdurahman Andang alyas Abu Nas Sen/Ab Nas.

Sa impormasyong ibinahagi ni Cruz nabatid na nakakuha sila ng impormasyon sa kinaroroonan ng wanted ASG member noong Mayo 6.

Kaugnay nito agad na naglatag ng plano kung paano makukuha ng buhay ang kanilang subject upang makuhanan ng impormasyon sa iba pang mga kasamahan nito.

Kaugnay nito, nakatakldang dalhin ng PNP SAF Seaborne unit ang suspek sa Zamboanmga City para sa kaukulang hakbang at nakatakda ring pagsasalang sa tactical interrogation ng mga kinauukulan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply