Hitsurang naglaplapan: Piolo, Echo nagpalitan ng laway

MARAMI pala ang nainggit sa nangyaring eksena sa ASAP last Sunday. Text sa amin ng isang listener namin sa aming radio program, “Nu’ng Sunday sa ASAP, pinakita nina Piolo P. at Jericho  na may kinakain sila sa isang baso, gamit nila isang kutsara lang. Kainggit. Hahahaha!”

Sabi naman ng isa pa, “Ano po kaya ang lasa ng laway nina Echo at Papa Piolo? Hehehe!”
Well, tanong natin kay KC Concepcion. Ehem! Hahaha!

Natural lang naman ang ganyang mga biruan. Kayo naman, tropa sila eh, di ba? Hindi ba’t ganyan si Papa Piolo sa mga friends niya na kasama niyang naglalaro ng badminton sa 4th floor ng Heart Center?

Ang ingay-ingay nga raw ng grupo ng morenong aktor. Sa bawat pagpalo raw ng bola ng boyfriend ni KC ay hagalpakan naman ng tawa ang mga kasama niya.

Tsika sa amin nu’ng kalugar namin na mahilig din sa naturang laro, mga macho at artistahin daw ang mga kasama ng aktor sa tuwing maglalaro siya. Miyerkules at Huwebes daw ang sched niya doon.

Lately ay hindi na raw nakapaglalaro ang gwapong aktor dahil sa sobrang busy sa work.

Kaya iyong mga miron na dumadayo sa pinaglalaruan ng una ay nalulungkot. Sana raw kapag naisipan ulit ni Piolo na maglaro doon, kasama na nito ang girlfriend niya para raw mas masaya.

***

Sharon makasabay kaya sa pagdyeta ng mga contestant?

HINDI ‘yung kabuuan ng bagong show (The Biggest Losser) ang inaabangan ng tao kundi kung paanong makasasabay daw si Sharon Cuneta sa pagpapayat ng mga contestant.

Kapag daw ang mga ito ay sinabayan ni Sharon sa pagbabawas ng timbang, tiyak na magiging blockbuster ang bagong show niya.

Sa totoo lang, maging ang mga tagahanga ni Ate Shawie ay napo-frustrate sa kinasapitan ng katawan ng kanilang idolo. Hindi nila sukat akalain na aabot sa ganyang laki ang dating bilugan lang na singer/actres cum TV host.

Obserbasyon pa nga ng iba, maging ang anak daw niyang si KC kung hindi ito maging aware sa kanyang figure baka sooner or later ay maging katulad na rin siya ng kanyang mommy.(In fairness, Shawie’s not that plump anymore as compared to her really too rounded figure many months back. Let’s give her a little more time, Abe. I’m positive she’s going to go back to her ideal weight in due time. -Ed.)

Oh, s’ya, mag-exercise na tayo..one, two, one two! Hahahaha!

***

Fermin, butata!

EWAN ko ba’t kung bakit naniwala kami sa mga boladas ni Cristy Fermin. Sabi kasi nito Sabado, Mayo 14, ang grand opening ng show ni Willie Revillame sa TV5, ‘yun pala ay Monday, May 16.

How come nagkamali siya sa kanyang impormasyon gayung taga-Singko siya at parati pang nakabuntot kay Willie? Kung minsan nga, habang nagsu-show ang maangas na host ay nakita pa namin si CSF na nakasalampak sa semento habang nakanganga at pinanonood si Revillame na animo’y nakakita ng aparisyon.

As usual, punong-puno na naman daw ng hanging habagat at amihan ang mga naging tirada ni Willie sa opening ng kanyang bagong show.

Kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi.

Napuno nga ng text messages ang cell phone namin sa dami ng mga nag-react. And’yan na naman daw si Willie Yabang at nilalamon na naman ang oras ng mga kasunod nitong programa, katulad ng “Mga Nagbabagang Bulaklak” at iba pa.

Masyado na raw gabi ang Bulaklak…tuloy nalanta ang mga nanonood nito at minabuti na lamang nilang matulog.

Willie Boy, rumespeto ka naman sa ibang kasamahan mo, hindi lang ikaw ang naghahanap-buhay. Hindi lang ikaw ang pinanonood ng tao. At hindi lang ikaw ang anak ng Dios.

Naintindihan mo ba, tol?

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply