Holdapan, nakawan at gangwar sa Caloocan

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga mambabasa na gustong maglabas ng kanilang mga saloobin,  panawagan sa mga kinauukulan at iba pa.

HOLDAPAN MATINDI SA CARDONA, RIZAL

Saklolo po sa PNP at sa pamunuang bayan ng Cardona, Rizal. Lagi pong may nagaganap na holdapan dito sa may boundary ng Mambog at Cardona. Nagaganap ang holdapan sa LLDA at Korokan at naging kanlungan ng mga kriminal ang lugar. Paki-sona naman po ang lugar para makilala at madakip ang mga wanted sa batas.    0906850

GULO, NAKAWAN SA GAYA-GAYA, SJDM

Pakikalampag naman po ang barangay captain ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Pati na rin po ang National Housing Authority. Sana naman po, maglagay na sila ng barangay office at magpaikot na rin sila ng barangay tanod dito sa pabahay ng NHA. Dumadalas na po ang gulo rito, pati po ang nakawan ng gamit. Kahit tsinelas ninanakaw. 0908638

GANGWAR SA CALOOCAN CITY

Gud pm, sir: Gusto ko lang pong humingi ng tulong. Tungkol ito sa riot na nagaganap dito sa aming lugar sa Caloocan City. Sa may Salay-Salay St., Brgy. 12 Dagat-Dagatan, may mga gang-war sa pagitan ng mga grupo ni Sanday Domeng Abordo na Subo-Subo gang at mga batang bundok. Last may 15, 1 am, madaling araw, nagbarilan sila. Nakatatakot na madamay ang mga bata at sibilyan na nakatira rito sa aming lugar. Mistulang bingi sina Chairman Bebot Ipot Cruz, Mayor Echiverri at mga kapulisan. Tulungan niyo po sana kami sir. Parang awa niyo na. 0907195

SUKI MULA SA TAIWAN

Gud pm po. Isa po ako sa palaging bumibili ng Remate dito sa Taiwan. May puna lang po ako,  sir, sa mga litrato sa unang pahina, lalo na ang mga nakaaawang batang pinapatay sa palo at mga anak na minamasaker. Hindi naman po ako nagrereklamo sa balita. Ang hindi lang namin kayang tingnan, e, yung mga kawawang mga bata na pinapatay. May pamilya rin po kami riyan sa Pinas. Huwag niyo na lang pong ilagay ang CP# ko. Thanks, God bless!

HID LAMPS BAWAL

Payag po ako sa panukalang batas na nagbabawal ng paggamit ng ‘HID’ sa mga sasakyan. Kasi  talagang tama yun. Dito sa lugar namin, maraming gumagamit niyan at talaga naman pong  nakasisilaw. Sana po maging batas na yan  Pilipinas. 0999495

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply