Holdaper nang-agaw ng baril ng parak, tiklo

MAITUTURING na himala para sa isang rookie cops ang hindi pagputok ng kanyang service fire arm matapos itong maagaw at makailang ulit na kalabitin ng tinaguriang “Lupin” ng Marcos Highway sa isinagawang follow-up operation kagabi sa Marikina City ukol sa serye ng holdapan.

Base sa nakalap na impormasyon ng Remate, halos araw-araw ay nakakatanggap ng tawag ang tanggapan ni Sr. Supt. Gabriel Lopez hinggil sa sunod-sunod na holdapan sa kahabaan ng Marcos Highway Marikina City at isang nagngangalang Jason Sabremonte, alyas Kulit/Lupin, 20 at walang permanenteng tirahan ang siyang pangunahing suspek.

Dahil dito ay nagsagawa ng pagmamanman ang grupo ni Supt. Earl Castillo dakong 8:00 ng gabi at naaktuhan ang suspek na si Sabremonte sa harapan ng Robinsons Mall sa Barangay San Roque ng nasabing lungsod kasama ang dalawa pa na hindi nakuha ang pagkakakilanlan na naghihintay ng mabibibiktima.

Agad na sinita ng tropa ng pulis ang grupo ng mga suspek subalit mabilis na tumakbo ang mga ito hanggang sa magkaroon ng habulan na ikina-aresto ng sinasabing lider na si Lupin.

Laking gulat ng mga pulis ng biglang agawin ni Sabremonte ang service fire arm ni PO2 Daniel Feliciano at walang sabi-sabing kinalabit ito subalit nagkataon na naka-double lock ang baril kung kayat hindi ito pumutok.

Muling nagkaroon ng habulan ngunit ng makorner na ito ng mga pulis ay hindi na nakapalag si Sabremonte.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng suspek.

Nabatid na labas-masok ito sa kulungan at kalalabas lang nito mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa sa kasong pagnanakaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply