Holdaper, snatchers tahimik sa laban ni Pacman

HABANG nagaganap ang laban ng Pambasang Kamao na si Manny Pacquaio laban kay Shane Mosley ay walang naitalang malaking kaso ng krimen partikular sa Kamaynilaan at halos tumigil ang takbo ng buhay ng maraming Pilipino sa bansa.

Ayon sa ulat, walang naitalang malaking kaso ng krimen sa Quezon City Police District habang nagaganap ang laban ni Pacquiao sa MGM Grand in Las Vegas,USA.

Iniulat din ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit na maluwag ang mga pangunahing lansangan sa QC at hindi bumiyahe ang karamihan ng mga public utility vehicles mapanood lamang ang laban  ng Pambansang Kamao.

Maluwag din  ang mga pangunahing lansangan ng Quezon City kabilang ang kahabaan ng EDsa, E. Rodriguez, Quirino Hiway, Mindanao Avenue, Quezon Blvd. A. Bonifacio, Kamias, East Avenue, Commonwealth Avenue at marami pang pangunahing lansangan.

Wala rin naitalang major vehicular accident sa mga lansangan ng Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply