Holdaper timbog sa pulis

HIMALANG nakaligtas sa kamatayan ang isang obrero matapos burdahan ng malalalim na saksak sa katawan ng isang holdaper Miyerkules ng madaling araw, Mayo 25,  sa panulukan ng C5 Southbound Road at McKinley Hills, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa ulat nina PCP 8 arresting officers PO1 Primitivo Delayun at PO1 Guanzon sa Taguig Police Station, nakilala ang biktimang si Thomas R. Leonida, 41, obrero at nakatira 13 2nd st., Morning Sun Subdivision, Brgy. San Miguel, Taguig City habang ang suspek ay nakilala sa pangalang Misael M. Escopete, 49, nakatira sa Blk. 22 Botanical Martires st., Mandaluyong City.

Armado umano si Escopete ng patalim at nagpanggap na pasahero bago nagdeklara ng hold-up sa biktima.

Matapos limasin ang pera ni Leonida, inundayan pa ito ng sunud-sunod na saksak sa katawan ng suspek na nakita naman ng mga nagpapatrol na pulis doon.

Agad na hinuli ng mga awtoridad ang suspek at nakaligtas naman sa kamatayan ang biktimang isinugod sa hospital.

Mahaharap sa kasong robbery with attempted homicide si Escopete. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply