Holdaper tumimbawang sa boga

ISA NA namang holdaper ang nabawian ng buhay matapos itong mabaril ng nagrespondeng pulis nang mangholdap ng isang babae madaling araw ng Huwebes, May 19, sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang napatay na salarin na 25 hanggang 30 anyos, 5’2″ hanggang 5’3″ ang taas, kayumanggi, diamond ang hugis ng mukha, nakasuot ng puting t-shirt, at itim at asul na striped shorts.

Pinaghahanap naman ang isa pang kasamahan nito na nakatakas matapos ang panghoholdap.

Sa ulat ni SPO2 Edmundo Cabal, dakong 2:10 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dagupan Ext. at Bulacan St. sa Tondo,Maynila

Sa imbestigasyon, naglalakad umano sa lugar ang isang Raquel Santos patungo sa paradahan ng tricycle pauwi sa kanilang bahay nang madaanan niya ang dalawang ‘di nakilalang lalaki na tila may hinihintay.

Isa sa kanila ang lumapit kay Santos at biglang hinablot ang kanyang bag.

Ayon kay Cabal, nagtatakbo umano ang biktima at sumisigaw ng tulong na siyang nakatawag pansin sa mga nagpapatrolyang pulisya sa lugar.

Mabilis namang nagresponde ang mga ito at hinabol ang mga suspek kung saan nagkaroon ng putukan at dito tinamaan ang isa sa mga salarin.

Isinugod pa ito sa hospital ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa aniyang dibdib at ulo.

Narekober naman ang isang .38 calibre revolver na may anim na live ammo at ang bag na pag-aari ni Santos na naglalaman ng pera at mahahalagang gamit.

Sa kabila nito, iniimbestigahan naman ngayon ng pulisya ang ilang pulis na sangkot sa pamamaril na sina P/Insp. Aldin Balagat, PO3 Manuel Castro, PO1 Marilito Daya, na pawang mga nakatalaga sa Station reaction Unit ng Station 7.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply