Holdaper tumimbuwang sa MPD police

PATAY ang isang holdaper nang paputukan ng isang pulis Maynila matapos mangholdap ng ilang pasahero sa Sta. Cruz, Manila.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang hindi pa nakikilalang suspek, may taas na 5’3  nakasuot ng itim na long sleeves; payat ang pangangatawan; may tattoo sa dibdib na “Ricky Lot & Boy,” habang sa likod ng katawan ay may tattoo na mga pangalang “Marlon, Ramon, Wilson Chua, Melchor, Boyet at Norman Bautista.”

sa ulat na isinumite kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:45 ng madaling-araw kanina, Martes, Mayo 17, nang maganap ang insidente sa panulukan ng Bambang at Oroquieta Sts., sa Sta. Cruz, Manila.

Sa report ni SPO2 Rogelio Abellera, team leader ng grupo, habang nagsasagawa sila ng routine inspection sa kanilang nasasakupang himpilan nang makarinig ng sigaw ng mga pasahero kaya agad silang rumesponde.

Sakto namang naabutan nila ang dalawang holdaper  na tumalon sa pampasaherong jeep na may biyaheng MCU-Recto.

Nang kanilang pahintuin ay nanlaban ang dalawa hanggang paputukan ng pulisya ang isa at nakatakas naman ang isa pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply