Honda Civic ninakaw sa Makati City

NAGPALABAS na ng alarma ang Makati City Police-Anti Carnaping Unit kaugnay sa na-carjack na sasakyang Honda Civic na pag-aari ng isang Michael Toledo dakong alas-diyes Biyernes ng umaga sa Makati City.

Ayon sa inisyal na ulat ni acting Makati City police chief Supt. Jaime Santos, isang sunburst yellow Honda Civic (WRF-960) ang tinangay ng hindi pa kilalang lalaki habang ito’y nakaparada sa Biak na Bato St. sa nabanggit na lungsod.

Ang insidente ay agad inialarma sa buong kapulisan sa Metro Manila upang matunton ang ninakaw na sasakyan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply