Hopkins sinikwat ang WBC light heavyweight belt

NAKUHA ni 46-year-old Bernard Hopkins (52-5-2, 32 KOs) ang World Boxing Council (WBC) light heavyweight title ni Jean Pascal (26-2-1, 16 KOs) sa bisa ng unanimous decision sa kanilang 12-round fight sa Bell Centre sa Montreal, Quebec, Canada.

Pinukpok ni Pascal si Hopkins sa ikaapat at sa huling rounds ngunit napanatili ng huli ang kanyang bangis kaya nakaligtas sa kalaban.

Ang mga scores ay nauwi sa 115-113, 116-112, 115-114.

Dahil sa panalo, si Hopkins na ang tinaguriang oldest man na nakakuha ng world title na bumasag sa record ni George Foreman.

Samantala, si World Boxing Organization (WBO) No. 1 cruiserweight Denis Lebedev (22-1, 17 KOs) ay umiskor ng brutal 10th round KO laban kay 42-year-old ring legend Roy Jones, Jr. (54-8, 40 KOs) sa kanilang hiwalay na bakbakan sa Sport Complex Krylatskoe sa Moscow, Russia.

Gaya ng ginawa ni Erik Morales ilang linggo na ang nakararaan, ginulat ni Jones ang mga tao nang bugbugin muna si Lebedev.

Subalit ang mas malaki at malakas na Russian ay gumamit ng pressure para pasangkalin sa lubid ang kalaban.

Sa huling yugto, nadale na ng kalaban si Jones sa oras na 2:59 ng 10th at sa kabila ng pagkatalo ay nagpahayag pa si ito na, “I don’t give up easy. I still might come back.” Gilbert Perdes

 

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply