Hostage-taker ng buntis sa QC, todas sa pulis

TUMIMBUWANG sa mga putok ng baril ang isang lalaking hostage-taker nang kumasa ito sa rumespondeng mga parak sa Quezon City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Dennis Estrada, alyas Tyman, walang permanenteng tirahan.

Hindi naman nasaktan at nasagip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Station 6  ang hinostage na si Glenda Nueva, apat na buwang buntis at residente ng Kamagong St., Barangay Commonwealth.

Sa ulat ni Police Senior Inspector Roberto Razon, Intelligence Investigation chief, naganap ang insidente dakong 5:45 kahapon, Mayo 14, sa bahay ni Nueva sa Kamagong Street.

Ayon kay Razon, bago ang panghohostage ay binaril at napatay ni Estrada ang isang nagngangalang Edgar Bernardo noong Huwebes ng gabi sa Boloba St., Barangay Commonwealth pero nadakip ng pulisya ang kasama nitong si Abdul Ampaso, tubong Marawi City.

Bumalik aniya si Estrada sa Kamagong Street upang gantihan ang mga taong naging daan kaya nadakip ang kasama nitong si Ampaso pero natunugan ng pulisya at ito ay hinabol.

Sa takot na mahuli, pumasok si Estrada sa bahay ni Nueva at hinostage ito pero ilang minuto lamang ang nakaraan ay nakatiyempo ang mga pulis na barilin ito.

Si Estrada isang notoryus na holdaper na responsable umano sa sunod-sunod na holdapan ng taxi sa lugar ng station 6 at solong lumalakad dala ang kanyang kalibre .45.

Samantala, si Ampaso naman ay nakakulong na sa Camp Karingal at sasampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply