‘Hotel rates’ sa mayayamang bilanggo isinulong

SA KABILA ng kontrobersiyal na VIP treatment na ibinibigay sa mga maiimpluwensiya at mayayamang bilanggo sa National Bilibid Prison at ibang bilangguan sa bansa, inihain ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng “pay-to-stay” program ang mga national penitentiaries.

Ani Santiago, dapat ng magkaroon ng pagbabago sa kasalukuyang batas upang maihiwalay ang maximum security mula sa mga minimum security prisoners.

Ang mga minimum security prisoners umano ay papayagang mag-apply sa “pay-to-stay” program kung nais nilang magbayad ng hotel rates.

“We need to change existing laws, to separate maximum security from minimum security prisoners.  Minimum security prisoners should be allowed to apply for a pay-to-stay program if they are willing to pay hotel rates,” ani Santiago.

Sinabi pa nito, ang “pay-to-stay” program ay umiiral na sa penal states ng Amerika kung saan ang mga mayayamang bilanggo ay inihihiwalay sa ibang inmates pero kailangan nilang magbayad ng hotel rates.

Sa American program umano ang nagbabayad na bilanggo ay may pribadong selda, may work release programs, Ipods, mobile phones, at computers.

Ayon pa kay Santiago, ang “pay-to-stay” programs ay ipinapapatupad sa maraming siyudad sa California at ikinokonsidera na rin sa New York at Massachusetts.

Kapag ang isang Amerikano umano ay naaresto sa isang non-violent crime, maaari nitong hilingin ang permiso ng judge na kumpletuhin niya ang kaniyang jail sentence sa isang  “pay-to-stay” program.

“The new law will disqualify any prisoner who has a history of violence, is a sex, drug, or arson registrant, or has a situation or condition that may endanger the health, safety, or welfare of the other ‘pay-to-stay’ inmates, or the jail staff,” pahayag ni Santiago.

Pero nilinaw ni Santiago na ang kanyang panukala ay limitado lamang para sa mga non-violent crimes katulad ng crimes against public interest kung saan kabilang ang fraud, forgery, at falsification; crimes against public morals, kabilang ang pagsusugal, at nonviolent crimes against property, katulad ng theft and bouncing checks.

Nilinaw rin ni Santiago na hindi pasok sa kaniyang panukala si Batangas Governor Antonio Leviste dahil naparusahan ito dahil sa bayolenteng krimen na homicide. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply